Mula kay aurelio locsin salVacion "Seminar"
Seminar (Enero 22, 2009)
Hindi ko maintindihan
Bakit ako nakaupo
Dito sa silid
Nakikinig sa mga salita
Na nagaangking talino
Pantas kuno ng makabagong pag-iisip
Pagyayabang ng kaisipang
Magbabago daw sa lipunan
Nangungutya
Sa kung ano
Na naging bahagin na ng iyong
Pagkatao
Babasagin ba
O sasalaminin
Ngunguyain ko
Nanamnamin
Maduduwal
isusuka din naman
Sino ang pantas
Sa amin
Ang matalim na salita
Na humahamon sa paniniwala
Ng marami na sa ilang saglit
Ay umani na ng palakpak
May pagtanggap
Sa pagkawasak
Sa pagkapakababa
Sa mga ulap ng kaululan,
O ako
Na napaisip
Bakit ako nandito
Sa silid na ito
Nagtitiyaga,
Nagpapanggap na
Tanggap ko rin
Nagpapakahunyango
dahil sa
mapagpanggap din naman
ang nag-aaring siya
ay pantas
dios na puta din naman
na sa negatib
ang siyang hunyango
at ang totoong
sayaw sa bubog
na parang puki
ng bakla
na wala naman.
Huwag na lang kaya
Hanggang dito na
Lang at bago
Maisip ko rin
Na ako ay isang dios
Na putik
Sa bakal na
Kalawang ang puri,
Walang kapit
Hangin ang nasagip
Magmamaneho na lang ako
Palayo sa lahat
Ng ito
Na higit pa sa pagpapakapantas
Ay may patutunguang
Landas na dama
Ang pagbabago
Sa buhay
Ng mga nagaantay
Ng tulong
Habang umaandar ang
Metro ng laway ng pantas.
Hindi ko maintindihan
Bakit ako nakaupo
Dito sa silid
Nakikinig sa mga salita
Na nagaangking talino
Pantas kuno ng makabagong pag-iisip
Pagyayabang ng kaisipang
Magbabago daw sa lipunan
Nangungutya
Sa kung ano
Na naging bahagin na ng iyong
Pagkatao
Babasagin ba
O sasalaminin
Ngunguyain ko
Nanamnamin
Maduduwal
isusuka din naman
Sino ang pantas
Sa amin
Ang matalim na salita
Na humahamon sa paniniwala
Ng marami na sa ilang saglit
Ay umani na ng palakpak
May pagtanggap
Sa pagkawasak
Sa pagkapakababa
Sa mga ulap ng kaululan,
O ako
Na napaisip
Bakit ako nandito
Sa silid na ito
Nagtitiyaga,
Nagpapanggap na
Tanggap ko rin
Nagpapakahunyango
dahil sa
mapagpanggap din naman
ang nag-aaring siya
ay pantas
dios na puta din naman
na sa negatib
ang siyang hunyango
at ang totoong
sayaw sa bubog
na parang puki
ng bakla
na wala naman.
Huwag na lang kaya
Hanggang dito na
Lang at bago
Maisip ko rin
Na ako ay isang dios
Na putik
Sa bakal na
Kalawang ang puri,
Walang kapit
Hangin ang nasagip
Magmamaneho na lang ako
Palayo sa lahat
Ng ito
Na higit pa sa pagpapakapantas
Ay may patutunguang
Landas na dama
Ang pagbabago
Sa buhay
Ng mga nagaantay
Ng tulong
Habang umaandar ang
Metro ng laway ng pantas.
Labels: ALSA Filipino Poet
0 Comments:
Post a Comment
<< Home