Mula kay aurelio locsin salVacion "Exit"
EXIT 1 (Bangon Na)
(Enero 25, 2009)
Parang langgam nanaman
Ang mga tao
Sa pagsikat ng araw
abala sa pagpapaganda
ikot parang trumpo
hala sige takbo
labas sa pinto
parang hinila ng magnet
sa pila.
Sige pa tulak,
isiksik ang sarili
sa malasardinas na MRT at FX
palitan ng mukha
banggaan ng mga tuhod
na di na makayang sumayad sa sahig,
nagsasalamin sa mass transport
na solusyon daw sa trapik
at pagsikip sa Maynila,
pinakamabilis na biyahe
at pagluwag ng langit.
Review, tsika,
Praktis ang dila
Para tumaas ang benta.
Mahalaga kuno ang future.
Handa nang sumabak
Dala ang lahat
Maliban lang
ang pinagmulan
ng buhay at
magdamag na Pahinga.
(Enero 25, 2009)
Parang langgam nanaman
Ang mga tao
Sa pagsikat ng araw
abala sa pagpapaganda
ikot parang trumpo
hala sige takbo
labas sa pinto
parang hinila ng magnet
sa pila.
Sige pa tulak,
isiksik ang sarili
sa malasardinas na MRT at FX
palitan ng mukha
banggaan ng mga tuhod
na di na makayang sumayad sa sahig,
nagsasalamin sa mass transport
na solusyon daw sa trapik
at pagsikip sa Maynila,
pinakamabilis na biyahe
at pagluwag ng langit.
Review, tsika,
Praktis ang dila
Para tumaas ang benta.
Mahalaga kuno ang future.
Handa nang sumabak
Dala ang lahat
Maliban lang
ang pinagmulan
ng buhay at
magdamag na Pahinga.
Labels: ALSA Filipino Poet
0 Comments:
Post a Comment
<< Home