Valediciton sa HIllcrest by Rolando S. TinioValediction Sa Hillcrest
Valediction Sa Hillcrest
Rolando S. Tinio
(Iowa City, 1958)
Pagkacollect ng Railway Express sa aking things
(derecho na iyon sa barko, while I take the plane),
inakyat ko muli ang N-311, at dahil dead of winter,
nakatopcoat at galoshes akong
nagturn right sa N wing ng mahabang dilim
(tunnel yatang aabot hanggang Tundo).
Sa isang pitik, nagshrink ang imaginary tunnel,
Nagparang ataol
Or catacomb.
Strangely absolute and impression
Ng hilera ng mga pintong nagpuprusisyon—
Individual identification, parang mummy cases,
De nameplate, de numero, de hometown address,
Antiseptic and atmosphere, streamlined yet,
Kundi catacomb, at least
e filing cabinet
Filing, hindi naman deaths ha.
Remebrance, yeah. Iyong medio malagkit,
Porque alam mo na, I’m quitting the place
after two and a half years.
After two and a half years,
Di man nagkatiempong mag-ugat (ika nga), siempre’y
Naging attached, parang morning gloring
Mahirap nang mapaknit sabarbed wire trellis.
At pagbukas ko sa cuarto,
Hubo’t hubad na ang mattresses,
Wala nang cushion sa easy chair,
Mga drawer ng bureau’y nakanganga
(sabay-sabay mag-ooration,
nagkahiyaan, nabara).
Of course, tuloy and radiator sa paggaralgal:
Nasa New York na si Bob and the two Allans.
Iyong mga quarterbacks across the hall,
Pihadong panay ang display sa Des Moines.
Don and Ocntance aren’t coming back at all
Gusto ko mang magpaalam—
To whom?
The drapes? The washbowl? Sa double-decker
Na pinag-ikot-tkot naming ni Kandaswamy
To create space, hopeless, talagang impossible.
Of course, tuloy ang radiator sa paglagutok.
(And the stone silence, nakakaiyak kung sumagot.)
Bueno let’s get it over with.
It’s a long walk to the depot.
Tama na ang sophistication-sophistication.
Sa steep incline, pababa sa highway
Where all things level, sabi nga,
There’s a flurry, ang gentle-gentle.
Pagwhoosh-whoosh ng paa ko,
The snow melts right under.
nagtutubig parang asukal,
huhuhulas, nagsesentimental.ð

0 Comments:
Post a Comment
<< Home