Justin Nicolas: Art, Man and Society

A combination of art appreciation and Art and Society for students of the Humanities and the Sociology and Social Reality readers.

Monday, February 09, 2009

Mula kay aurelio locsin salVacion "Pintig ng Kimi"PINTIG NG KIMI (Enero 24, 2009)

PINTIG NG KIMI (Enero 24, 2009)
Tahimik ang gabi
Nang sumigaw ang pintig
Sa kanyang mga ugat
Nagngangalit na parang
Sasabog na bulalakaw
Sa mga langit
Kakambal na huni
Ng mga kuliglig
Bawat kibot
Ay tila paninikip
Ng diwang di nailabas
Ng mga ugat na sinakal
Pigil na sigaw
Tulad ng dilim sa gabi
Kimi na tila mahina
Ayaw tumutol ngunit
Nagpupumiglas
Tumututol ng pabulong
Sa langit na pikit
Umaasang sa pagmulat
Wala na ang sigaw
Ng dilim.
Sa araw ay tahimik
May pag-awit sa paggawa
Walang sumbat at pangngutya
Na ala-alang ayaw sambitin.
Hapo ang laman
Ngunit himlay ang loob
Lumilipas ang oras
Na di pansin ang pait
Nagmamaang-maangan
Na tila salat
Sa pagkaunawa
Nagpapanggap na kulang
Sa wastong pagkamalay
Babalutin ng lait
Ttawa ang madla
Kimi siyang muli
Pagtapos ng gawa.
May pangamba sa paghimlay
Mga multo ay andyan na
Dadalaw muli
Sa tahimik na gabi.
Tatakas ang payapang
Hangin at lamig
Ang labi sa isip
At sigaw ng pintig ng kimi.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home